Rasyunal, Mithiin at Layunin
Marami sa kabataan ngayon ay ipinanganak sa panahon ng pag-usbong ng teknolohiya. Kadalasan sila ay nahuhumaling sa mga produkto ng agham. Ilan sa mga ito ay ang kompyuter, cellphone, tablet, at kung ano-ano pa. Nagmula ang aming ideya base sa aming obserbasyon at karanasan. Katulad namin ang ibang kabataan na mahilig ding maghanap ng mapaglilibangan at mapagkakasiyahan gamit ang iba’t ibang gadyet. Upang lalo pang mapalawig ang wikang Filipino sa kabataan, naisip naming magdaos ng story-telling sa mga batang mula sa day care at kinder ukol sa mga iba’t ibang babasahin sa wikang Filipino tulad ng alamat, pabula, parabula at iba pa. Ito ay naayon sa pangangailangan ng ating bansa na palaganapin ang nasyonalismo at maipagpatuloy ang paglaganap ng Wikang Filipino. Mas magandang makita na ang kabataan ay nahihilig sa mga babasahin sa wikang atin kesa sa malimit na tinitingnan ang mga gadyet na pagmamay-ari nila. Marami na ang nakakalimot sa kung saan nagmula ang mga Filipino, kung ano ang kulturang tinataglay ng ating bansa. Nawa’y sa maliit na paraang ito, maisabuhay muli ang mga kinagasnan nating mga babasahin at kultura. Nais naming mapalawig ang wikang Filipino sa kabataan sa paraang pagbasa. Sa aming adbokasiyang ito, mithiin naming magustuhan ng kabataan ang iba’t ibang babasahin sa wikang Filipino na kahit sa murang edad pa lamang nila. Nawa’y mahilig sila sa pagbabasa ng iba’t ibang magagandang libro sa wikang Filipino. Mainam na tangkilikin ang sariling atin. Nakikita namin na kapag natapos aming aktibidades o ang aming adbokasiya, mahihilig na ang kabataan sa pagbabasa lalo na ang mga babasahin sa wikang Filipino na patuloy nilang maisasagawa kahit sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Layunin naming mapakita sa kabataan ang kagandahan at kakaibahan ng mga babasahin sa wikang Filipino. Nais din naming mapalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa iba’t ibang babasahin sa wikang Filipino. Magandang magsimula sa mga bata upang mahubog sila sa naayong pagiisip na kanilang mabibitbit hanggang sa kanilang pagtanda. Layunin din ng aming adbokasiya na magustuhan nila ang pagbabasa at mapalawak ang kanilang imahinasyon sa paglalarawan ng mga konteksto sa kanilang isipan. Isa pang layunin namin ay mapahalagahan at payabungin pa ang pagmamahal sa sariling wika. Sa paraang ito, maipalalaganap ang nasyonalismo at pagmamahal sa ating bayan. Lahat ito ay magiging posible sa sama-samang layunin na maisakatuparan ang mathiin at sa tulong ng ating Panginoong Diyos.