Harmony Clean Flat Responsive WordPress Blog Theme

Disenyo ng Proyekto: Adbokasiya

Ang naging pinaka unang hakbang ng aming grupo sa pag papalaganap ng wikang Filipino ay ang pagkakalap ng mga maaring maging taga pakinig ng aming gagawing aktibidad. Aming napagdesisyunang piliin ang paraalan ng mga bata o DayCare na siyang maaring pagdausan n gaming gagawing story-telling. Pinuntahan ng grupo namin ang nasabing paraalan upang humingi ng pahintulot na maidaos an gaming story telling. Setyembre 07, 2015 ang napiling araw kung kelan namin nararapat idaos ang ang aktibidad. Pagkarating naming sa paaralan ay kaagad naman nagbigay pugay ang guro na siyang namamahala sa paaralan. Inutusan niya ang mga bata na ligpitin at ayusin muna ang kanilang mga gamit sa kadahilanang ang grupo namin ay magdadaos ng story telling. Nagpakilala kami sa mga bata sa paaralan bago kami magsimula. Ang isa naming kagrupo ang nadestino sa pagbibidyo ng mga ga pangyayari sa paaralan. Samantalang, kami naman ang nadestino sa pagsasagawa ng story telling. Nagsimula na kami sa pag dadaos ng storya,at duon napansin namin ang kagustuhan ng mga batang makinig at matuto sa aming inihandang storya. Pagkatapos naming ilahad ang storya sa mga bata ay isa isa naming silang tinanong kung ano ang kanilang natutunanan sa aming kwento, lubos na nakakatuwa naman at ang kanilang mga sagot ay lubos na pumukaw sa aming damdamin. Pagkatapos ay aming lubos na pinasalamatan si Gng. Malou sa pagpapahintulot nitong aming layuning makapagmulat sa mga murang edad na pahalagahan at mas payabungin ang wikang Filipino. Sa aming pagbabalik sa paaralan sa patuloy paring iisa an gaming layunin, ang ituro sa mga bata ang mga nararapat nilang malaman. Patuloy kami nagdaos ng storytelling ngunit ibang storya na ang aming ikunwento sa kanila, ng sa gayon ay may bago silang aral na matutunan. Bago naming lisanin ang paaralan, nakapag iwan naman kami ng magandang aral at magandang mungkahi sa mga bata na maari nilang dalin sa kanilang pagtanda.