Harmony Clean Flat Responsive WordPress Blog Theme

Panimula/Kaligiran

Sa kadahilanang maraming mag-aaral ang nais magkaroon ng simpleng karanasan ukol sa pagbabasa ng mga librong pang bata, maraming mag aaral ang patuloy na humahanap ng maaring pwedeng gawing libangan nila pagkatapos maglaro. Ang simpleng pagbabasa ng mga libro sa wikang Filipino na pang bata ang siyang magiging libangan ng mga batang walang kakahayang makisalamuha sa ibang bata sa labas ng kapaligiran. Sa paglaganap ng iba’t ibang mga tuklas ng sensya tulad ng mga cellphone, laptop, tablet atbp., maraming bata ang nagagawang kalimutan ang nakasanayang lenggwahe dahilan sa mga makabagong bagay na nilikha ng makabagong agham na siyang maaring makapaapekto sa ating wika. Sa kabilang banda, ang suliranin na kinahaharap ng kabataan ay ang pagkahilig o pagkahumaling sa mga produkto ng teknolohiya tulad ng cellphone, tablet at kompyuter. Bilang sagot sa napapanahong isyu, bumuo ng isang konsepto na siyang maaring maging daan upang mamulat ang kabataan sa mga kinagisnang literatura at kulturang Filipino.