Harmony Clean Flat Responsive WordPress Blog Theme

Benepisyo at Resulta

Inaasahan ng grupo na makakapagbibigay ng kaalaman at saya sa larangan ng mga istorya. Paganahin ang kanilang imahinasyon upang magsilbing instrumento sa pagunawa ng mga pangyayari. Ang grupo ay hindi lamang nakapokus sa mga pangyayari sa kwento na maaring magbigay ng reaksyon sa kanila, gayundin ang mga nakapaloob na mensahe at aral na magiiwan sa kanila ng magandang asal. Ang grupo ay naniniwala na ang mga kwento na ipapahatid ay hindi lamang magsilbing isang kwento, kundi isang kwento na magbubukas sa kaisipan ng mga bata para sa pagtuklas ng mas malawak na kaalaman sa mga bagay-bagay. Higit sa lahat, kaugnay ng pagpapayabong at pagpapaunlad ng wika sa kanilang kaisipan, ang grupo ay naniniwala na makakatulong ito sa mga pang-akademikong larangan at pagkilala sa nasyonalismo. Inaasahan ng grupo na makakatulong ang adbokasiya sa pagpapalawak at pagintindi sa bokabularyong Filipino na makakatulong sa kanila sa mga paaralan. Higit sa lahat, magiiwan ito ng markang taglay ang pagka-Filipino. Sa murang edad, higit nilang makilala ang kanilang sarili bilang isang mamamayan ng bansang may taglay na yaman sa wika. Ang mga benepisyong ito ay hindi lamang para sa pagpapaunlad ng sarili, gayundin ang pagpapaunlad ng isang bansa na may iisang kultura at wika.